Asahan ng publiko ang big-time oil price rollback na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.

Sa taya ng industriya ng langis, posibleng matapyasan ng mahigit P1 ang kada litro ng gasolina at 80 sentimos naman sa diesel at kerosene.

Ang nakaambang bawas-presyo sa petrolyo ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Sa datos ng Department of Energy (DOE), ang bentahan ng diesel ay P28.93 hanggang P33.66 kada litro samantalang P39.55-P49.36 naman ang gasolina.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Abril 24 nang nag-rollback ang mga kumpanya ng langis, sa pangunguna ng Flying V at Pilipinas Shell, ng 40 sentimos sa kada litro ng kerosene, 30 sentimos sa diesel at 20 sentimos sa gasolina. - Bella Gamotea