Lalong pinatingkad at naging simbolo ng “partnership and friendship” ng Pilipinas at Indonesia ang pagbubukas ng Davao-General Santos-Bitung shipping route kahapon.

Sa paglulunsad ng Davao-General Santos-Bitug ASEAN RORO sa KTC Port sa Sasa, Davao City, sinabi ni Pangulong Rodrigo R. Duterte na ito ang simula ng pag-abot sa pangarap ng mga lider ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na magkaloob ng mas malawak na access at mobility at mas maraming oportunidad sa mamamayan.

“Today, we mark another milestone in historical ties between Philippines and Indonesia. This unique bond was shaped by vast sea that connects us. As early as the pre-colonial time, this vast sea provides for the route of barter trading and flow of people form and to our respective territories,” sabi ni Duterte.

Aniya, pagdudugtungin ng bagong ruta ang Mindanao, at Indonesia at iba pang lugar sa ASEAN. Magbunbusod din ito ng paglago ng kalakalan at turismo sa rehiyon.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Sinabi naman ni Indonesian President Joko Widodo na ang bagong ruta ay isang mahalagang milestone para sa dalawang bansa dahil malaki ang maibabawas nito sa haba ng biyahe upang dalhin ang mga kalakal sa dalawang bansa.

“I hope that this new RORO service between Davao and General Santos City in Mindanao and Bitung in North Sulawesi will present new opportunities and foster new business for our people,” aniya.

Sa bagong sea route mula Mindanao hanggang Indonesia, aabutin lamang ng isa hanggang dalawang araw ang biyahe ng mga kalakal, hindi tulad ng Davao-Manila-Jakarta-Bitung na inaabot ng tatlo hanggang limang linggo.

Mababawasan din ang gastusin sa shipping ng halos 68 porsiyento mula P109,098 per twenty-foot equivalent (TEU) ay magiging P34,713-TEU na lamang ito.

“It’s a better alternative,” sabi ni Eamarie M. Gilayo, development management officer III ng Mindanao Development Authority (MinDA). - Antonio L. Colina IV