Mary Connelly, center, accepts the award for outstanding entertainment talk show for LOS ANGELES (AP) — Ang The Ellen DeGeneres Show ang nagwagi ng Daytime Emmy Award para sa best entertainment talk show nitong Linggo, 20 taon, simula nang aminin niya na siya ay tibo sa sitcom na Ellen.

“She did it because it was the right thing to do,” sabi ni Mary Connelly, executive producer ng Ellen, tungkol sa desisyon ni Ellen DeGeneres na ilantad ang kanyang seksuwalidad at gawin din ito sa kanyang karakter noong 1997. Wala si DeGeneres kaya si Connelly ang tumanggap ng award.

Pinarangalan naman ang General Hospital bilang daytime drama, at ang top acting awards ay iginawad kay Scott Clifton para sa The Bold and the Beautiful at kay Gina Tognoni para sa The Young and the Restless.

Si Clifton ang unang aktor na tumanggap ng Daytime Emmys sa mga kategorya ng best younger, supporting at lead actor sa kanyang karera.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Hindi rin nakadalo sa seremonya si Steve Harvey na nanalo naman ng dalawang award. Pinangalanan siya bilang best game show host para sa Family Feud at best host of an informative talk show para sa Steve Harvey.

Nakuha ng Good Morning America ang best morning program trophy, at ang The Dr. Oz Show naman ang nag-uwi ng best informative talk show award. Pinarangalan ang Jeopardy! Bilang best game show.

Ang Entertainment Tonight ang tinanghal na best entertainment news program, at ang dating ET anchor na si Mary Hart ang tumanggap ng lifetime achievement award sa live-streamed event.