Ni REGGEE BONOAN

NAGBUNYI ang lahat ng mga sumusubaybay ng FPJ’s Ang Probinsyano nang makalaya na si Cardo Dalisay sa episode nitong Biyernes mula sa kulungan.

Coco Martin
Coco Martin
Nagulat kami dahil habang nanonood kami ng aksiyon serye ni Coco Martin ay ang daming naghiyawan nang ibaba ang verdict kay Cardo, at “Yes, laya na si Dalisay” ang narinig naming komento sa mga kapit-apartment naming nanonood.

Nakakaloka rin ang reaksiyon ng avid viewers ng Ang Probinsyano sa social media, masyado silang apektado sa mga nangyayari sa show. Akala namin, basta lang sila nanonood. Pagkatapos manood ay pinagkukuwentuhan pa na dapat daw ay si ganito o si ganyan ay lumaya rin at si Don Ramon Syquia (Eddie Garcia) ay patayin na dahil ubod ng sama at kung anu-ano pa na parang hindi maganda dahil palabas lang ito pero masyadong siniseryoso.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Matindi pala talaga ng koneksyon ng programa ni Coco sa masang Pinoy, kaya naman pala number one ito sa primetime at mataas ang ratings.

Pati mga batang paslit dito sa amin ay kina Cardo at Lola Flora raw sila magsusumbong kapag may umaway sa kanila, huh!

Anyway, maraming nag-text sa amin ng, “Walang makakatapat kay Cardo, maski na anong show. Mulawin pala itatapat ng GMA, wala na ba silang ibang maisip na programa, puro remake? Lahat ng programang nag-hit sa kanila dati, ibabalik nila? Mag-isip naman sila ng bago.”

Oo nga, ‘no? May punto ang viewers ng programa ni Coco.

Sinubukan naming i-chat ang creative head ng ilang teleserye ng GMA-7 na si Suzette Doctolero tungkol sa obserbasyon ng viewers na kausap namin.

In fairness, nagpaunlak si Suzette at ang paliwanag niya, “Sinubukan lang namin kung OK uli ang fantserye. Since OK ang Encantadia kaya ginawa na rin ang Mulawin lalo at strenght naman ng GMA ang fantaserye.

“Strong lang ang Encantadia at Mulawin at known GMA franchise na ito na kaya din namin ibinalik ay para lalong tumatak.

“For example, mga superheroes ng Marvel, lagi ‘yan ibinabalik at laging may audience. Ganu’n din ang ginawa ng GMA sa Encantadia/Mulawin, lokal. Pero puwedeng every generation ay ulit-ulitin at bigyang bihis.”

O, hayan, may sagot para sa mga nagtatanong kung bakit ibinabalik ng Siyete ang dalawang fantaserye nila.