Ni Gilbert Espeña
ANUMANG piliing division, walang problema para kay boxing icon Donnie ‘Ahas’ Nietes.
Markado sa duwelo ng main event ng Pinoy Pride 40: Domination, kinaldag ni Nietes si Thai Komgricj Nantapech para makopo ang bakanteng WBO light flyweight title kahapon sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu City.
Sa pagwawagi, si Niestes ang ikatlong Pinoy boxer na humawak ng tatlong dibisyon sa likod nina eight-division titlist Manny Pacquiao at five-division beltholder Nonito Donaire Jr.
Sawimpalad naman si Genesis Libranza.
Hindi napatulog ni Nietes ang matibay at mas batang si Nantapech pero kumbinsidong nagwagi siya sa 12-round unanimous decision sa mga iskor na 117-111, 117-111 at 115-113, maging sa huradong Thai na si Somsak Sirianant.
"At first I thought I can knock him down in the early rounds, but he's tough. Very tough," pag-amin ni Nietes.
"That's why we didn't get the knockout."
Inamin din niyang nagkapinsala ang kaliwa niyang kamao sa kasusuntok sa panga ng Thai boxer.
"I think my hand is swollen because of my jabs hitting his face all the time," ani Nietes.
"This is the best accomplishment in my life because my name is written in Philippine boxing history next to Pacquiao and Donaire."
Gumanda ang rekord ni Nietes sa 39-1-4, tampok ang 22 pagwawagi sa knockouts at bumagsak ang kartada ni Nantapech sa 22-4-0.
Napanatili naman ni South African Moruti Mthalane ang kanyang IBO flyweight belt nang patulugin niya sa 4th round si Libranza ng Pilipinas sa Wembley Indoor Arena sa Johannesburg, South Africa.
Bagamat 17 buwan na nagbakasyon sa boksing si Mthalane, nagpakita siya ng magandang kondisyon dahil pinaglaruan lamang ang bagitong si Libranza sa loob ng tatlong rounds bago nagpakawala ng bigwas sa bodega na nagpabagsak sa Pilipino kaya nabilangan ni referee Tony Nyangiwe.
Napaganda ni Mthalane ang kanyang rekord sa 33-2-0 w,,may 22 panalo sa knockouts samantalang bumagsak si Libranza sa 11-1-0 na may 8 panalo sa knockouts.