NASA Singapore si Nora Aunor ngayon, nagpapagamot sa problema niya sa lalamunan. Umalis siya noong April 19 at ang sabi, one month siya roon dahil hindi agad-agad maooperahan ang lalamunan niya.
Ang kuwento ng aming source, dadaan muna sa voice therapy si Nora bago operahan at umaasa ang kanyang fans na pagkatapos nito ay babalik na ang boses ng superstar.
Nami-miss na ng fans ang singing voice ni Nora pati na ang effortless na pagsasalita niya sa normal na boses.
Mula kasi nang magkaproblema sa lalamunan, hindi na kumanta si Nora at naapektuhan din ang kanyang speaking voice.
Mabilis siyang mapagod at nawawala ang boses kapag matagal na nagsasalita.
Sana nga’y maayos na ang kanyang lalamunan para marinig natin uli siyang kumakanta. (NITZ MIRALLES)