TULUY-TULOY pa rin ang Meant to Be fever na sa Pangasinan naman dumayo ang cast para magpakilig sa kanilang avid fans and supporters.
Saan man magpunta ay dinudumog ng mga tao ang mga bida ng serye sa pangunguna ni Barbie Forteza kasama sina Ken Chan, Jak Roberto, Addy Raj at Ivan Dorschner. Napakainit ng pagtanggap ng Kapusong Pangasinense sa kanilang show sa Mango-Bamboo Festival. Kasama rin nilang nagpasaya sa fans ang co-stars nila na sina Sef Cadayona, Mika dela Cruz, Stephanie Sol at Tess Bomb.
Samantala, pinagkakaguluhan din ng buong bansa ngayon ang new characters sa Meant To Be na si Nikki (Ayra Mariano), ang ex-girlfriend ni Yuan (Ken) at si Lolo Ric (Ronaldo Valdez) na lovelife ngayon ni Lola Madj (Gloria Romero).
Siguradong riot uli sa kilig at selosan ang magaganap every night. Inaabangan ng viewers kung paano malulusutan ni Yuan (Ken) ang problema sa kanyang ex at kung ano ang kahihinatnan ng bagong loveteam nina Lola Madj at Lolo Ric.