Gary V at Katrina Velarde copy

WALA pa rin talagang kakupas-kupas si Gary Valenciano.

Muli niyang ipinakita ang kahusayan niya sa pagkanta at pagsayaw sa kabila ng pagiging golden boy, at 34 taon nang pananatili sa show business, sa thanksgiving party na ibinigay niya sa entertainment press sa Polari Hub last Wednesday.

Sa party rin i-announce ang season finale ng Gary V Presents... na mapapanood sa Mayo 12, 13, 19 at 20 sa The Theatre at Solaire, simula tuwing 8:00 PM.

Ginang, na-swipe wrong sa dating app; na-scam ni 'Mr. Right' ng higit <b>₱</b>100K

Makakasama ni Gary sina Mitoy Yonting, Janice Javier, RJ dela Fuente at Tim Pavino, Allan Silonga, Suklay Diva Katrina Velarde, Lara Maigue, former Miss Saigon London na si Carla Guevara-Laforteza, Jimmy Marquez, Bullet Dumas, at Kiana Valenciano. Makakasama rin ni Gary sina Jason at Joshua Zamora, two of the original members of The Manoevres and the Addlib Dancers.

Ang proceeds ng concert series ay para sa benefit ng Diabetes at scholarship program ng Shining Light. Advocacy na ito ni Gary dahil sa kabila ng 39 taon nang pagkakaroon ng Type 1 diabetes, ay malakas pa rin siya at patuloy na nagpapasaya sa mga tao here and abroad.

Pagkatapos ng season finale ng Gary V Presents... ay pupunta ng North America si Gary for his 2017 concert tour on May 27 at M Resort, Las Vegas, guest niya si Katrina Velarde; Pechanga Resort & Casino on June 3, kasama si Kiana Valenciano at Katrina Velarde, Pasadena Civic Auditorium on June 10, kasama sina Katrina Velarde, Sam Concepcion at Kiana. At sa June 12, he will celebrate the Philippine Independence Day in Salt Lake City, Utah. (NORA CALDERON)