Dapat na gawing “legally binding” ang bubuuing Code of Conduct (COC) sa South China Sea.

Ito ang iginiit ng secretary general ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) na si Le Luong Minh upang tuluyan nang matigil ang aniya’y “unilateral actions” ng alinmang bansa sa mga pinag-aagawang isla sa South China Sea.

Ayon kay Minh, bagamat walang paramdam ang China ngayong taon tungkol sa pagiging bukas nito sa pagbuo ng framework ng COC, umaasa siyang makabubuo pa rin ang ASEAN ng mga patakarang magagamit laban sa hindi pagkakaunawaan at militarisasyon sa rehiyon.

Giit ni Minh, mahalaga ang COC dahil sa dami ng ginagawang reclamation at militarisasyon sa South China Sea.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Aniya, kapag nagkaroon ng legally-binding code, hindi lang maiiwasan ang mga pangangamkam ng teritoryo, kundi mareresolba rin ang mga ganitong insidente.

Matagal nang puntirya ng mga miyembro ng ASEAN na claimants sa South China Sea, gaya ng Pilipinas, Brunei at Malaysia, na mapasunod sa isang COC ang China. (Beth Camia)