Personal na nagtungo si Philippine National Police (PNP) chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa Manila Police District Office-Station 1 (MPDO-S1) upang kapanayamin ang mga bilanggong natuklasan sa “secret lock-up cell.”

Kinausap at tinanong ni Dela Rosa ang 12 bilanggo na natagpuan sa lihim na kulungan, at wala kahit isa sa mga ito na nagsabing magsasampa sila ng reklamo.

Para kay Dela Rosa, walang problema sa pagkakadiskubre sa tagong kulungan sa mismong presinto ng MPD hanggat hindi nagrereklamo ang mga bilanggo na sila’y kinikilan at sinaktan.

Kaugnay nito, kinuwestiyon ni Dela Rosa ang Commission on Human Rights (CHR) sa pagkakadiskubre sa secret cell.

National

Makabayan bloc, pinuna balak ni FPRRD na maging abogado ni VP Sara: 'Desperate political maneuver!'

Sa kanyang pagbisita, hindi naiwasan ni Dela Rosa na magkomento kung bakit tila isinabay ng CHR ang paggalugad sa presinto sa kasagsagan ng ASEAN Summit na para ba umanong nais ipahiya si Pangulong Rodrigo Duterte. (Fer Taboy)