SAO PAULO/BRASILIA (Reuters) — Sinunog ng mga nagprotestang Brazilian ang mga bus, at nakipagtuos sa mga pulis sa ilang lungsod at nagmartsa patungo sa tirahan ni President Michel Temer sa Sao Paulo sa unang general strike ng bansa sa loob ng mahigit dalawang dekada, nitong Biyernes.
Nanawagan ng strike ang mga unyon upang ipahayag ang kanilang sama ng loob sa pagsisikap ni Temer na isulong ang austerity measures, sa pamamagitan ng pagpapatibay sa mga panukalang batas sa kongreso, na magpapahina sa mga batas sa paggawa at babawasan ang malalaking pensiyon ng mamamayan.
Walong pampasaherong bus ang sinunog sa central Rio de Janeiro habang binogahan ng tear gas at binaril ng mga pulis ng rubber bullets ang mga raliyista.