290417_KMU_Cruz-07_PAGE 2 copy

Sinabi ng Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philipines (ALU-TUCP) na “krusyal” sa mga manggagawa ang unang Labor Day speech ni Pangulong Duterte bukas.

Dahil kapag may sinabing lubhang makabuluhan si Duterte, ayon kay ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, yayakapin at mamahalin ito ng mga manggagawa magpakailanman.

Kung hindi naman, sabi niya, iisipin ng mga manggagawa na katulad lang din si Duterte ng mga nakaraang presidente.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Ayon kay Tanjusay, para sa mga manggagawa ay pinakamahalaga sa lahat kung tutuparin ni Duterte ang pangako nitong ipagbabawal na ang contractualization at tataasan ang sahod ng mga manggagawa.

Aniya, pinalulubha ng short-term contractualization ang underemployment dahil sa mababang pasahod, kapos sa panlipunang proteksiyon upang magtamo ng mga benepisyo at walang seguridad sa panunungkulan.

Sinabi ni Tanjusay na ito ang dahilan kung bakit nakatuon ang mga mata at taynga ng milyun-milyong uring manggagawa sa sorpresang ireregalo ni Pangulong Duterte na unang Labor Day speech nito sa balwarteng People’s Park sa Davao City, sa halip na sa Quezon City Memorial Circle.

“No one knows why the President changed the venue at the last minute, but Duterte arranged the traditional Labor Day dialogue with the President in a way he is vetting respect from labor leaders and workers who are clamoring to make true of his promise to end the abusive contractualization work scheme and dying to see him fulfil his mantra to challenge the Philippine oligarchy that controls the 99% of our country’s wealth,” sabi niya.

“If President Duterte means by what he said ‘Tunay na Pagbabago’, this is the perfect day to do it by acting on point-blank issues raised by labor groups now at his table,” sabi ni Tanjusay. (Leslie Ann G. Aquino)