TUWANG-TUWA si Ai Ai delas Alas nang matanggap ang balitang nominado siya for best actress sa 50th Houston World Festival para sa performance niya sa pelikulang Area. All caps ang post niya sa Instagram para ipaalam ang labis-labis na kaligayahan niya.
“Napakabait ng PANGINOON... maraming salamat 50th HOUSTON WORLD FESTIVAL AWARDS SA NOMINASYON... TO GOD BE THE GLORY... MAGANDANG UMAGA... MAGANDANG BALITA salamat Ferdi sa pag-tag and congratulations TEAM AREA.”
Kalaban ni Ai Ai sa best actress category ang mga aktres ng Belgium, China, Italy at China. Malalaman natin kung muling nanalo si Ai Ai para sa pelikulang idinirehe ni Louie Ignacio.
Nominado rin for best supporting actress si Sue Prado para sa Area rin at si Lotlot de Leon para sa pelikulang 1st Sem. May mga nagtataka at nagtanong lang kung bakit sa best supporting actress nominated si Lotlot, samantalang siya ang bida.
Samantala, successful ang mga palengke tour ni Ai Ai para i-promote ang Our Mighty Yaya ng Regal Entertainment na showing simula May 10. Nag-tour si Ai-Ai sa Balintawak at sa Tandang Sora Market.