Arestado ang pitong katao na pawang sangkot sa ilegal na droga, kabilang ang sinasabing may-ari ng drug den, sa anti-narcotics operation ng Quezon City Police District (QCPD), kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni QCPD Director Police chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar ang mga suspek na sina Ben Aquino, 43, ng No. 320 Anthony Street, Barangay Holy Spirit (BHS), Quezon City; Kyle Romero, 17, ng No. 74 Domingo St., BHS; Randy Roy Galapan, 44, ng No. 17 Vincent St., BHS; Allan Jay Sison, 30, ng No. 8 Ubang St., Don Fabian, Bgy. Commonwealth, Quezon City; Anderson Luna, 39, ng San Mateo Roa, Bgy. Batasan, Quezon City; Domonic Macandag, 22, ng No. 247 Don Fabian, Bgy. Commonwealth, Quezon City; at Maryjane Legaspi, 30, ng No. 01 Aquino Compound, Anthony St., BHS, Quezon City.

Una rito, ilang concerned citizen ang nagreklamo sa barangay hall hinggil sa talamak na ilegal na droga sa lugar.

Dahil dito, bitbit ang search warrant, sinalakay ng awtoridad ang bahay ni Aquino na nagsisilbi umanong drug den at nasorpresa ang mga suspek.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nakuha sa mga suspek ang mga pakete ng shabu at drug paraphernalia.

Kasalukuyang naghihimas ng rehas sa Camp Karingal ang mga suspek makaraang sampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. (Jun Fabon)