042917_Malibay-Fire_01_Pasay_Jun Aran_as copy

Napabayaang kandila ang tinitingnang anggulo ng mga imbestigador sa sunog na tumupok sa 60 bahay sa isang residential area sa Pasay City, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Fire Officer 3 Arnel Acullador, nagsimula ang apoy sa bahay ni Randy Punzalan sa Apelo Cruz Street, Barangay 157, Zone 16, Malibay, dakong 1:04 ng madaling araw.

Sinabi ni Acullador na isang residente ang tumawag sa kanilang tanggapan at ipinaalam na sumiklab ang apoy sa nasabing lugar at nang sila’y makarating, kalat ito sa mga katabing bahay.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Umabot ang apoy sa ikalimang alarma, bandang 3:15 ng madaling araw, bago ideklarang under control pagsapit ng 6:35 ng umaga at tuluyang naapula dakong 7:50 ng umaga.

“May naiwan na kandilang nakasindi dahil brown out daw noong nangyari ang sunog kaya iyon ang tinitingnan nating anggulo,” ani Acullador.

Sa kabutihang palad, walang naiulat na sugatan o namatay sa insidente, ayon kay Acullador.

Aabot naman sa P200,000 ang halaga ng ari-ariang natupok. (Martin A. Sadongdong)