LINGAYEN, Pangasinan – Tatlong bangkay ang magkakahiwalay na natagpuan sa Pangasinan nitong weekend.

Sa ulat ng Pangasinan Police Provincial Office kahapon, natagpuan ang dalawang bangkay sa magkahiwalay na lugar sa Barangay Catablan sa Urdaneta City. Ang isa ay nasa tabi ng kalsada habang ang pangalawang bangkay ay nadiskubre sa Sitio Payatas.

Hindi pa rin tukoy ng pulisya ang pagkakakilanlan ng mga ito, na kapwa napapatungan ng karatula na nasusulatan ng: “Pusher, ‘wag tularan!”

Natagpuan naman sa Bgy. Primicias sa Sta. Barbara ang ikatlong bangkay, na may tama ng bala at hindi pa rin nakikilala. (Liezle Basa Iñigo)

Probinsya

Ash falls dulot ng bulkang Kanlaon, naranasan sa ilang bahagi ng Negros Occidental