UMISKOR ng malaking upset ang hindi kilala pero walang talong si Filipino Ronnie Baldonado nang talunin niya via 1st round TKO si one-time world title challenger Ma Yi Ming kaya natamo ang interim WBO Oriental flyweight title kamakalawa ng gabi sa Beijing, China.

Ngayon lamang lumaban sa labas ng Pilipinas ang 21-anyos at tubong North Cotabato na si Baldonado at kaagad niyang nasapol ng matitinding right hook si Ma na bumagsak at groggy pa nang tumayo kaya napilitan si referee Mekin Sumon ng Thailand na itigil ang laban nang hindi na makaganti ng suntok ang Chinese.

“Both boxers traded solid shots when the opening bell rang. But Baldonado caught the southpaw Ma with a couple of hard hooks and Ma dropped to the canvas. Ma stood up but was reeling, seeking refuge on the ropes and was unable to hold back the rampaging Baldonado who landed volley after volley,” ayon sa ulat ng Philboxing.com.

“Referee Mekin Sumon of Thailand saw that it was only the ring ropes keeping Ma up and that he was glassy eyed, correctly signaled the end at the 1:42 mark,” dagdag sa ulat.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Napaganda ni Baldonado ang kanyang rekord sa perpektong 9 na panalo, 5 sa knockouts at 1 tabla. Umaasa siyang papasok sa WBO ranking sa susunod na buwan. (Gilbert Espeña)