CAMP MACABULOS, Tarlac City - Malagim na kamatayan ang sinapit ng tatlong katao makaraang bumaligtad ang sinasakyan nilang Toyota Innova habang binabagtas ang SCTEX, sa bahagi ng Barangay Asturias, Tarlac City, na grabe ring ikinasugat ng apat na iba pa, nitong Huwebes ng gabi.

Kinilala ni SPO2 Daniel Bañaga ang mga nasawi na sina Leo Rodriguez, 65, ng Montalban, Rizal; Kathrine Buenaventura, 38; at Pablo Rodriguez, Jr., 61, ng New Era, Quezon City.

Sugatan naman sina Judy Galutan, 42; Mikaela Buenaventura, 2; Leimey Galutan, 16; at Miguel Buenaventura, walong buwang gulang, pawang taga-Bgy. San Isidro, Montalban, Rizal na ginagamot ngayon sa Tarlac Provincial Hospital.

Dakong 7:00 ng gabi nitong Huwebes nang nawalan ng kontrol si Rodriguez sa Innova habang tumatahak pahilaga ng SCTEX hanggang sa bumaligtad ang sasakyan. (Leandro Alborote)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito