ASINGAN, Pangasinan - Nakorner ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 1, Asingan Police at iba pang law enforcement agency ang isang aktibong miyembro ng Natividad Police matapos na makuhanan ng hinihinalang ilegal na droga at mga baril sa Barangay Macalong sa Asingan, Pangasinan.

Ayon sa report na tinanggap kahapon mula kay Supt. Junmar Gonzales, hepe ng Asingan Police, kinilala ang nadakip na si SPO1 Julius C. Rosales, operatiba ng Natividad Police, at residente Bgy. Macalong, Asingan.

Naitala si Rosales bilang high-value target sa national level.

Ipinatupad ng raiding team ang dalawang search warrant laban kay Rosales para sa mga kasong illegal possession of firearms at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Dakong 9:30 ng umaga nitong Huwebes nang isagawa ang raid at nasamsam sa bahay ng pulis ang isang .45 caliber pistol, isang magazine assembly, anim na sachet ng hinihinalang shabu, isang M203 grenade launcher, at dalawang magazine assembly ng .9mm caliber. (Liezle Basa Iñigo)