ANG rap ay tinaguriang pandaigdigang lengguwahe—ngunit maaari rin itong magamit upang maprotektahan at mapangalagaan ang mga wikang nanganganib nang maglaho.

Sa maliliit na komunidad sa iba’t ibang dako ng mundo, ginagamit ng mga katutubo ang musikang rap bilang paraan ng komunikasyon, nagbibigay ng bagong buhay sa kani-kanilang lengguwahe habang humihimok ng mga bago at hindi inaasahang tagapakinig.

Iba’t iba ang kultura at inspirasyon ng mga artist—ngunit nauunawaan ng bawat isa sa kanila ang kapangyarihan ng hip-hop.

Isinilang sa kulturang panlansangan ng The Bronx noong dekada sitenta, mabilis na kumalat ang hip-hop sa iba’t ibang panig ng daigdig at kalaunan ay naging lingua franca na malugod na tinanggap ng maraming kabataan.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Sa kabundukanng Antioquia sa hilagang Colombia, namulat sa rap ang magkapatid na katutubong kabataan na sina Brayan at Dairon Tascon ilang taon na ang nakalilipas nang mapanood nila ang isang pagtatanghal sa lansangan sa plaza ng bayan ng Valparaiso.

Nakasumpong sila ng sigla sa rap, na ginamitan nila ng sarili nilang wika na Embera, na tinatayang ginagamit ng wala pang 100,000 katao sa Colombia at Panama.

Sa mga video na ipinaskil sa YouTube, ginaya ng magkapatid ang kilos ng mga unang rapper, inihahagis sa ere ang mga nakasenyas na kamay na parang nagsasabi ng “yo”. Ngunit sa halip na malalapad at mala-kadenang ginto ang nangagsabit sa kanilang mga leeg, nasasabitan sila ng makukulay at hinabing kuwintas at headband ng mga katutubong Embera.

Ang kanilang mga awitin, na tunog hip-hop at paminsan-minsan ay sinasaliwan ng tradisyunal na pluta, ay nagpapamalas ang pagmamalaki sa kanilang kultura — “We are speaking well, representing well, and showing the beauty,” bahagi ng liriko sa Embera.

“Some people previously thought that rap was simply music about drugs and violence. But for us music is about how we speak and how we live,” sinabi ni Dairon Tascon sa Agencé France Presse (AFP) nang kapanayamin sa telepono.

Ipinagmalaki ni Dairon na sa pamamagitan ng YouTube, ang kanilang mga video ay humakot ng libu-libong views at nagpasimula ng interes hanggang sa labas ng Colombia.

Unti-unting umusbong ang katutubong hip-hop bilang sub-genre sa Amerika at Canada, at kadalasang tinatalakay ng mga rapper ang kawalan ng pagkakapantay-pantay sa lipunan sa liriko ng kanilang mga awitin.

Ang Minneapolis at St. Paul, dahil sa masigla nitong music scene at katutubong pamana, ay naging isa sa mga pangunahing lugar para sa katutubong hip-hop. Pinaghahalo ng lokal na rapper na si Tall Paul ang English at ang diyalekto niyang Anishinaabemowin.

Tampok sa awitin niyang “Prayers in a Song” ang kanyang mga pagsisikap upang matutuhan ang katutubong lengguwahe ng kanyang mga ninuno, isa sa pinakamatatandang wikang Native American, na ginagamit niya sa chorus bilang paghingi ng katatagang ispirituwal.

Samantala sa dulong hilaga ng Norway, nasumpungan ni Nils Rune Utsi, na mas kilala sa stage name niyang SlinCraze, ang rap bilang isang bagong paraan ng pagkukuwento gamit ang lengguwahe niyang Sami.

“A rap song has so many more lyrics than a regular song. Of course you can write a great song, but you have to compress it into the song and chorus. With rap, if you have the lyrics, you get to write much more and if you have a story, you can get very detailed,” sinabi ni SlinCraze sa AFP. (Agencé France Presse)