NAGKAROON ng lunch meeting two days ago ang ating 2015 Miss UniversePia Wurtzbach kasama ang kanyang manager na si Jonas Gaffud sa Kapamilya big bosses na sina ABS-CBN COO Charo Santos-Concio, Linggit Tan, Malou Santos, Mariole Alberto,Laurenti Dyogi, at Olivia Lamasan.

Ibinahagi sa social media ni Jonas ang litratong kuha sa kanila sa nasabing meeting.

Off-the-record muna ang detalye ng napag-usapan sa lunch meeting.

‘Yun nga lang, hitik na hitik sa espekulasyon ng ilang netizens na baka raw sumentro ang usapan ng meeting sa posibleng pagganap ni Pia sa Darnamovie na ididirihe ni Erik Matti.

Relasyon at Hiwalayan

Chloe punumpuno ang puso dahil kay Carlos, inurirat kung kailan papakasal

Noong nakaraang Enero, sinabi ni Pia na matutuwa siya kung magagampanan niya ang Darna nang tanungin siya ng isang fan sa Twitter.

Pero sa isang panayam sa kanya noong nakaraang buwan, sinabi niya na ABS-CBN might have a different plans for her.

Kaya abangan na lang natin ang announcement ng Kapamilya Network kung si Pia na nga ba ang papalit kayAngel Locsin sa pinag-aagawang role bilang Darna.