BORACAY ISLAND - Nagpahayag ng pagkabahala ang mga eksperto sa environmental science sa pagdami ng insidente ng mammal strandings sa bansa.
Base sa report ng GMA Online, nakapagtala ng 24 na insidente ng mammal stranding noong 2005 at umabot ito sa 111 noong 2015.
Ayon kay Dr. Lemnuel Aragones, director at propesor ng Institute of Environmental Science and Meteorology sa University of the Philippines-Diliman, may kabuuang 713 mammal stranding na ang naiulat simula 2005 hanggang 2016.
Aniya, basura sa dagat ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit nagkakaroon ng mammal stranding, na ikinamamatay din ng nasabing mga hayop. (Jun N. Aguirre)