lady gaga copy

INIMBITAHAN ni Lady Gaga ang kanyang fans para umarteng manonood habang kinukunan niya ang mga eksena sa konsiyerto ng pelikulang A Star Is Born.

Kasalukuyang kinukunan ng Poker Face singer ang kanyang unang pelikula na musical remake, na gumaganap siya bilang si Ally, ang aspiring singer/actress na ginabayan ng movie star na si Jackson Maine, ginagampanan ni Bradley Cooper, at habang unti-unti siyang sumisikat ay lumulubog naman ang karera ni Jackson dahil nagkakaedad na ito at nalulong sa alak.

Kinunan na ang ilang eksena nitong unang bahagi ng Abril sa Coachella music festival sa Indio, Calfornia, nagtanghal si Lady Gaga na nag-imbita sa kanyang mga tagahanga na magbayad ng tiket upang makasali, at ngayon ay binigyang sila ng ikalawang pagkakataon na makasama sa isa pang concert scene.

Trending

MMDA, nakaka-relate na kay Rendon Labador?

Kukunan nina Gaga at Bradley, na siya ring nagdidirehe, ang country at western music concert sa Greek Theatre sa Los Angeles sa Mayo 2 at 3 at ibinahagi niya ang link sa Twitter sa website kung saan maaaring bumili ang kanyang fans ng mga ticket upang maging audience.

“Be a part of A Star Is Born with Bradley and me in LA!,” saad niya kasunod ng link at old-fashion movie projector na emoji.

Isang mensahe sa website ang nagpabatid sa kanyang fans, kilala rin bilang Little Monsters, na tutulong sila sa “cheer and applaud their performances on camera.”

“All you Monsters that can attend should get decked out in your most comfortable denim & boots, throw on a Stetson (leave those pink Joanne hats at home) and come out to show your support!” nakasaad sa post.

Ang A Star Is Born ay nakatakdang ipalabas sa Setyembre 2018. (Cover Media)