NAGTALA ng unprecedented feat sa Philippine broadcast history ang GMA Network nang sabay-sabay nilang tanggapin ang tatlong Gold Medals sa isang festival kasama ang tatlong finalist certificates sa katatapos na 2017 New York Festival sa World’s Best TV and Films Competition na ginanap sa Las Vegas, USA nitong Martes, April 25.

Muling tumanggap ng awards ang multi-awarded GMA Public Affairs Programs na Reporter’s Notebook, Front Row at Reel Time.

Hosted ni Maki Pulido ang nanalong “Pasan-Pasang Pangarap” episode ng Reporter’s Notebook sa Community Portraits, tungkol sa dalawang magkapatid na batang lalaki na kailangang gumawa ng saku-sakong uling para makaipon ng perang nakalaan para sa kanilang pag-aaral.

Sa Human Concerns category naman ang winning episode ng Front Row na “Bata Sa Bintana,” tungkol sa 13-year old boy na si Zoren na may mahinang kalusugan at ang contact lamang sa outside world ay sa pamamagitan ng mga nakikita niya mula sa bintana ng kanilang bahay.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

Ang reality docu-program na Reel Time ay nanalo sa National/International Affairs category sa “Maling Akala” episode, tungkol sa mga dating drug addict na nagawang baguhin ang kanilang buhay at ngayon ay community leaders na.

Tumanggap din ng finalist certificates ang Kapuso Mo, Jessica Soho para sa episode na “Gintong Medalya” para sa Community Portraits category, Entertainment TV’s Someone To Watch Over Me nina Lovi Poe at Tom Rodriguez, in the Telenovelas category, at ang Investigative Documentaries ng GMA News TV sa Community Portraints category para sa “PAAralan” episode.

Ang awards night ay dinaluhan ng top executives ng mga programa ng GMA News & Public Affairs. (Nora Calderon)