Maglalayag ang mga opisyal ng Department of Agriculture (DA) patungo sa Benham Rise sa Mayo 5-7 upang galugarin ang 13-milyong ektaryang continental shelf para tukuyin kung paanong mapoprotektahan ito, sinabi kahapon ni DA Secretary Emmanuel Piñol.

Ayon kay Piñol, binigyan si ni Pangulong Duterte ng go-signal para sa tatlong-araw na expedition, na unang itinakda nitong Semana Santa. Naipagpaliban ito dahil sa namataang low pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng bansa.

“Go ahead and discover what could be done to protect the area,” ayon kay Piñol ay sinabi sa kanya ni Pangulong Duterte nang magpulong sila sa Malacañang nitong Miyerkules ng gabi.

Tututukan ng expedition ang paggalugad sa resources-rich waters ng Benham Rise. Sinasabing malaki ang maitutulong nito para matiyak ang pangangailangan ng bansa kung maayos na mapangangasiwaan, ayon kay Piñol.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kasama ng DA sa biyaheng-Benham ang mga opisyal ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), sakay sa research vessel na M/V DA-BFAR, kasama ang apat na mas maliliit na barko ng DA-BFAR.

Makakasama rin ng grupo ang may isang dosenang “Pagbabago” fiberglass fishing boat ng mga mangingisda na maglalayag sa Mayo 5 mula sa Infanta, Quezon. (Vanne Elaine P. Terrazola)