Aabot sa P100,000 halaga ng ari-arian ang natupok sa sash factory o pagawaan ng pintuan sa Barangay Old Balara, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa report ni Quezon City Fire Marshall Sr. Supt. Manuel M. Manuel, bandang 3:00 ng madaling araw lumiyab ang dalawang tanggapan ng “Princess Sash” factory at nadamay ang siyam na katabing tindahan sa Calderon Street, corner Commonwealth Avenue, Bgy. Old Balara.

Ayon Manuel, sa mabilis na pagresponde ng mga tauhan ng Quezon City Fire Department, agad naapula ang apoy na umabot sa ikalawang alarma.

Walang naiulat na nasugatan at patuloy na inaalam ang sanhi ng insidente. (Jun Fabon)

Kapatid ni Jay-el Maligday na pinaslang umano ng militar, nanawagan ng hustisya