Emma watson copy

Sinabi ni Emma Watson na ang kanyang bagong pelikulang The Circle, tungkol sa kathang-isip na social media giant, ay naging mahirap at vulnerable experience para sa kanya dahil tinatalakay nito ang mga isyu ng ethics at hangganan ng privacy sa lumalawak na public age.

Lumaki si Emma, 27, sa mata ng publiko bilang child actress sa Harry Potter movies, ngunit sinabi ng British star na hindi niya lubusang naisip ang mga implikasyon ng mass data collection, online activities, at personal freedom hanggang sa gawin niya ang The Circle.

“It was a very vulnerable experience for me making this movie... (It) was very hard for me and very meaningful,” sabi ni Emma sa audience pagkatapos ng premiere ng pelikula nitong Miyerkules sa Tribeca film festival.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Hango sa libro ni Dave Eggers na may kaparehong titulo, ipapalabas ang The Circle sa mga sinehan sa U.S. simula ngayong araw. Ito ay makapanindig-balahibong pangitain kung paano kinokontrol at sinusubaybayan ng social media giants ang personal information -- na hindi palaging para sa kabutihan. Ang The Circle ay kathang-isip na kumpanyang inihahalintulad sa Google, Facebook at Twitter.

Sa kultura ng Dream Fridays at mga slogan na gaya ng “Sharing is Caring,” nagboluntaryo si Mae na ginagampanan ni Emma upang maging “fully transparent” at nagsuot ng marble-sized camera, 24/7 na ipinalalabas online ang lahat ng kanyang mga ginagawa. Ang experiment ay nauwi sa nakatatakot na online hounding, tracking at pagkamatay ng kanyang malalapit na kaibigan na nagsikap umiwas sa social media.

“I didn’t think about most of this stuff before,” sabi ni Emma, na pinuna ang pagbaligtad ng U.S. Congress noong Marso sa internet privacy rules ng Obama administration sa pagbebenta ng individual browsing information.

“Trust me, I have grilled Dave Eggers. Really, I have taken him to a room and said, ‘What do we do? What do we do?’,” aniya. “A lot of friendships have a hard time surviving in the pressure cooker of the world that we live in and how public everything is. It’s really tough.”

Sinabi ng director na si James Ponsoldt na na-inspire siyang gawin ang pelikula pagkatapos basahin ang tinawag niyang “darkly hilarious” 2013 na libro ni Eggers, at nang isilang ang kanyang unang anak sa panahon na ang lahat ay maaaring idokumento.

“It terrified me,” sabi ni Ponsoldt. “It was that sort of psychic terror that was the catalyst for the whole thing.”

(Reuters)