Sumuko sa militar ang isang aktibong kasapi ng New People’s Army (NPA) sa lalawigan ng Zamboanga del Sur.

Ayon kay Lt. Gen. Carlito Galvez, Jr.,commander ng Western Mindanao Command (WestMinCom), sumuko si Jonelo Daluyon y Balabag, alyas “Joel”, 25, sa 53rd Infantry Battalion ng Philippine Army, ng Joint Task Force ZamPeLan, sa Camp Major David Sabido sa Guipos, Zamboanga del Sur.

Isinuko rin ang kanyang M16 rifle na may pitong magazine at mga bala, si Balabag ay nasa ilalim ng SYP-KARA, Western Mindanao Regional Party Committee na kumikilos sa Zamboanga del Sur, ayon sa militar. (Fer Taboy)

Probinsya

Centennial bust ni NA F. Sionil Jose, inilantad sa publiko