DIREK JERROLD AT IZA copy copy

NAPANOOD na namin ang pelikulang Bliss na buong ningning na binigyan ng “X” rating ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) sa unang review at pabor kami dahil talagang napapanganga kami sa mga eksena.

May katwiran naman ang MTRCB na matakot sa pagbibigay ng pahintulot na ipalabas ito dahil maselan ang paksa at visuals lalo na para sa kabataan at karamihang Pinoy na masyado pang konserbatibo.

Pero nakapanghihinayang naman kung hindi naman ito maipapalabas sa parte ng mga taong nasa likod ng Bliss lalo na ang lead star na si Iza Calzado na nagwagi pa ng Yakushi Pearl Award for Best Performer sa Osaka Asian Film Festival.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Isa pa, ito ang follow-up movie ng gifted na si Direk Jerrold Tarog pagkatapos ng kanyang surprise hit na Heneral Luna.

At kung hindi ito mapapanood ng mga konserbatibong Pinoy, e, kailan pa tayo mamumulat sa ganitong klaseng pelikula, samantalang kapag foreign films ay tanggap naman natin,

Habang nanonood sa advance screening ng Bliss nitong Martes sa Gateway Cinema 4, paulit-ulit kaming napapanganga sa matitinding mga eksenang may molestation, frontal exposure, masturbation at lesbianism. Ito ang mga dahilan kaya nakakuha sila ng “X” rating sa unang rebyu.

Pero dahil exposed na rin naman ang karamihan sa atin sa mga ganitong tema -- dahil may mga pelikula nang puwedeng i-download online -- ay hindi na rin naman ligtas ang viewers na makapanood ng ganito lalo na ang kabataan na hindi naman 24/7 nababantayan ng mga magulang.

Umapela ang producers ng Bliss at si Iza ng second review sa MTRCB at finally, binigyan ng R-18.

Sa kabilang banda, malaki pa rin ang naitulong ng “X” rating na unang ibinigay ng MTRCB dahil na-curious ang publiko kung bakit sila natakot na ipalabas ito sa mga sinehan.

Sa istorya ng Bliss, wannabe actress si Jane Ciego (Iza) na nangangarap magkaroon ng award kaya nagprodyus siya ng sariling pelikula. Naaksidente at na-comatose siya sa shooting. Kahit wala nang malay ay marami pa ring mga pang-aabuso siyang naranasan, kagagawan ng mga taong pinagkakatiwalaan niya.

Disturbed ang karakter ni Iza at inamin niya sa Q & A after ng screening na appealing sa kanya ang ganitong role.

“Somebody asked me about disturbing childhood, maybe that’s it. I like characters that are disturbed, ‘yung malalim ang hugot. The darker the better, even in Milan, Mary Grace was a little bit of nervous wreck, and it’s very appealing to me,” pag-amin ni Iza.

Hindi itinanggi ng mahusay na aktres na medyo hirap siya noong childhood niya dahil nga maaga siyang nawalan ng ina at tatay na ang solong nagpalaki sa kanya.

May frontal nudity si Iza kaya iisa ang tanong ng lahat, paano siya napapayag ni Direk Jerrold.

“When I audition for it, hindi ko talaga alam, but there were things that we can do about it, and we did. Right now may parameters kung baga, kasama sa kontrata, nagagawan naman ng paraan lahat at para sa akin lang maganda kasi ang material, so, I’m excited to do something different from what I normally do especially I’ve been boxed-up doing serious, lawyer o kaya mabait.

“Mabait pa rin ako rito pero the movie itself, the theme is not the usual themes with my other films. Wala talagang reservations, lahat naman kasi napag-uusapan,” sagot ng dalaga.

Nagpapasalamat si Iza sa boyfriend niyang si Ben Wintle na supportive sa kanya at dedma sa maseselang eksena niya sa pelikula.

“Okay lang daw,” sabi ni Iza.

“Ang sabi ng boyfriend ni Iza, mas maganda ang nipples niya in real-life,” dagdag naman ni Direk Jerrold.

Inamin nina Direk Jerrold at Iza na may ginawa silang tricks sa maseselang eksena, lalo na sa nudity.

Samantala, nakakagulat din ang character nu’ng Lilibeth o Rose (ginampanan ng theater actress na si Adrienne Vergara), ang nurse na dating biktima ng child molestation na siya ring nangmolestiya habang comatose si Jane.

Mapangahas ang mga eksenang ginawa ni Adrianne sa Bliss dahil nag-selfie nang hubo’t hubad.

Pili lang ang mga sinehang magpapalabas ng Bliss (opening day sa Mayo 19) sa Metro Manila dahil nga R-18 ito. Hindi ito maipapalabas sa SM cinemas na hanggang R-16 lang ina-allow na pelikula.

“’Yung palaging ‘tinatanong sa akin kung ready na ba ang mga Pinoy for this kind of movie, they’re very ready,” pahayag ni Direk Jerrold. “It’s more of a given naman talaga na may grupo sa Pilipinas na conservative pero isang grupo lang sila, marami ring grupo sa Pilipinas na mga liberal.

“Iba-iba tayo. The people should be given a chance to make up their mind kung paanoorin ba nila o hindi.

“Yun ‘yung dahilan kaya nag-X-rated siya kasi feeling nu’ng first panel was kailangan nilang protektahan ‘yung grupo na ito ng conservative. Pero in effect, mas na-offend pa ‘yung maraming grupo ng liberal na tinanggalan sila ng right na pumili.

“I try to push boundaries. As an artist, it’s important to keep challenging the audience and myself. We tried to do something different for Bliss and we hope the audience will appreciate what we’re trying to achieve,” paliwanag pa ng direktor.

Kasama nina Iza at Adrienne sa Bliss sina Ian Veneracion, TJ Trinidad, Michael de Mesa, Shamaine Buencamino, Audie Gemora at Stephanie Sol produced ng TBW o Tuko Films Production, Buchi Boy Entertainment at Articulo Uno Productions.

(REGGEE BONOAN)