UNANG nagsama sa Sana Maulit Muli (2007) at muling nagkasama sa Tayong Dalawa (2009) ang tried and tested nang love triangle sa Philippine TV -- sina Gerald Anderson at Jake Cuenca na iisang babae ang pinag-aagawan sa istorya, si Kim Chiu.

Pagkalipas ng walong taon, muling nagsama-sama ang tatlong bida sa Ikaw Lang Ang Iibigin na mapapanood na sa Lunes, Mayo 1 bago mag-It’s Showtime.

Maganda kasi ang rapport at hindi na mangangapa sa bawat isa pagdating sa pag-arte sina Kim, Jake at Gerald kaya sila muling pinagsama ng Dreamscape Entertainment. Na-master na ni Jake ang mahusay na pagiging kontrabida kay Gerald at panggugulo sa love team nila ni Kim.

At sabi ni Michael de Mesa, na kasama rin nila sa Ikaw Lang Ang Iibigin, dedicated at nag-mature na ang tatlo sa kanilang trabaho at pinuri niya nang husto si Jake na madalas niyang nakakaeksena.

Musika at Kanta

Regine, nakatanggap ng apology letter matapos maetsa-pwera sa billing ng MYX Global

“They have matured, they have the grasp of the craft and they know their characters very well. And I really enjoyed doing my scenes with Jake ‘coz most of my scenes so far has been with Ayen (Munji-Laurel) and Jake, so far.

“My scenes with Jake, I feel a certain energy that he gives na he has a certain style na ‘pag hindi mo nasakyan, hindi mo mahuhuli. So, kung baga, he gives a lot kasi acting is reacting. So I only react to what he gives. Kaya nagiging interesting ‘yung mga eksena namin.

“With Gerald naman, so far we had a few scenes pa lang but I can already tell, I’ve seen in the growth like what I said earlier leaps and bound talaga, malayo na talaga.”

Hindi tuloy naiwasan ni Gerald na magbalik-tanaw.

“Paglabas po namin ng PBB (Pinoy Big Brother), ang unang soap po namin Sana Maulit Muli, wala po ako kaalam-alam, ang hirap ko pa sa Tagalog pero halos lahat mas marami pa kaming eksena ni Tito Michael kaysa sa eksena namin ni Kim.

Walang biro, siguro ang isang eksena ang pinakamababa 20 takes ako, no joke, 20, 25, 30 takes isang eksena.

“Kaya ‘pag pupunta ako ng taping, tinitingnan ko ang sequence guide at iniisip ko kung kailan ko makakaeksena si Tito Michael, sana mamaya dinner break, kasi diesel ako, eh.

“Nakapa-intimidating para sa isang 16 year old kid na kaeksena si Tito Michael. Pero ‘yung ibinigay niya sa akin, ‘yung support, sobrang na-inspire ako. Walang biro, 20, 30 takes for a veteran actor to do that with me, kaya sobrang na-inspire at sobrang natuwa po ako nu’ng malaman kong kasama si Tito Michael dito sa Ikaw Lang Ang Iibigin.”

At ang paglalarawan naman ni Gerald kay Jake, “It’s always a showdown kasi ako po, bawat eksena, kahit gaano kasimple, gaano kaliit o kalaki, gusto kong ibigay lahat. Eh, si Jake, gusto ring ibigay 110%. Eh, ako ‘yung tipo na magbibigay ng 112%, and then, magbibigay siya ng 115%, so it’s always a showdown at bawat eksena ‘pag magkasama kami, hindi n’yo talaga itatapon dahil alam mo at the end of the day, ginawa namin lahat para quality ‘yung mapapanood nila. Alam ko ‘pag it’s time for Jake to shine, susuportahan ko siya.”

“For me, Gerald brings out the best in me,” ganti naman ni Jake, “’coz, I know when he goes to the set, he’s gonna give a hundred percent and the thing is like, sa lahat ng tagumpay namin, we’ve both been very supportive of each other. Kaya nga may bromance kaming dalawa, eh,” tawanan ang lahat ng entertainment reporters sa kanilang presscon.

Tungkol sa muling pagsasama-sama nila nina Gerald at Kim, “Fantastic! Tulad nga ng sinabi ko, I wouldn’t have it any other way. If they offered me even other shows, hindi ko iko-consider ‘yun. Nu’ng nakita ko ‘yung cast nito, sabi ko, ‘eto ‘ko kahit ano ang mangyari.”

Nang tanungin tungkol sa pag-ere ng kanilang serye sa Prime Tanghali... “Maganda ang show namin. It’s a very nice show and like I said, kahit nag-offer pa sila ng primetime show, pero hindi sila ang kasama ko, baka tanggihan ko.

Tatanggihan ko ‘yun kasi gusto ko talagang makasama sina Kim at Gerald at saka si Coleen uli,” sagot ni Jake.

(Reggee Bonoan)