Malaki ang posibilidad na tatalakayin ang kaso ng bibitaying drug trafficker na si Mary Jane Veloso sa paghaharap nina Pangulong Duterte at Indonesian President Joko Widodo ngayong Biyernes, ayon sa isang opisyal ng Palasyo.

Gayunman, hindi sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella kung hihiling si Duterte ng clemency para kay Veloso sa paghaharap ng dalawang presidente sa Malacañang.

Nakatakdang dumating sa Maynila si Widodo ngayong Biyernes ng umaga para sa state visit bago dumalo sa 30th Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit ngayong linggo.

“The President can also be expected to discuss the situation of Filipino workers in these countries, including the case of Mary Jane Veloso,” ani Abella.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

Una nang nakiusap ang pamilya ni Veloso na humingi si Duterte ng clemency kay Widodo para sa pagpapalaya sa Pinay, na nahatulan ng kamatayan sa pagpupuslit ng heroin sa Indonesian airport. (Genalyn D. Kabiling)