Hindi interesado si Pangulong Duterte na kumprontahin ang China kaugnay ng agawan sa teritoryo sa South China Sea sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) leaders’ summit ngayong weekend.

Sinabi ng Presidente na “no need” na ibida ang arbitration ruling na pumabor sa Pilipinas laban sa claims ng China dahil “non-issue” naman ito para sa regional assembly.

Sa halip, determinado si Duterte na isulong ang isang code of conduct sa South China Sea upang maiwasan ang paglubha ng tensiyon sa rehiyon kapag pinangunahan niya ang pagtitipon ng mga pinuno ng ASEAN ngayong weekend.

“I will skip the arbitral ruling. It is not an issue here in the ASEAN. Code of conduct, maybe. But arbitral, it’s only between China and the Philippines so I’ll skip that,” sinabi ni Duterte sa mga mamamahayag matapos niyang makipagpulong kay Sultan Hassanal Bolkiah ng Brunei sa Malacañang kahapon.

National

UP, top university pa rin sa Pinas; Iba pang paaralan sa bansa, pasok sa Asian ranking!

“But the code of conduct sa sea, ibang istorya ‘yun. It might be taken up pero we will not talk about sovereignty over what part of the islands there,” ani Duterte.

“Punta ka roon, mag-ingay ka. Strong protest. Will they listen? China is completely ignoring the arbitral. So what more can you ask of it? Make noise? For what?” dagdag ni Duterte. “We cannot, on our own, enforce the judgment of the arbitral tribunal. Stop dreaming that arbitral unless we are prepared to go to war.” (Genalyn D. Kabiling)