TALAVERA, Nueva Ecija – Nasawi ang isang 50-anyos na tricycle driver sa umano’y ikatlong beses niyang pagtatangka sa sariling buhay matapos siyang magbigti sa loob ng kanyang bahay sa Barangay Sibul, Talavera, Nueva Ecija.

Ayon sa mga opisyal ng barangay, natagpuan si Albert Gapac y Magalang, may asawa, na nakabigti ng alambre sa kisame.

Ayon sa kapatid ni Gapac, alipin ng matinding depresyon ang biktima dahil hindi nito makasundo ang asawa bukod pa sa binabarumbado umano ng sariling anak.

Nabatid na ito ang ikatlong beses na pinagtangkaan ni Gapac ang sariling buhay; sa una, nakalas ang lubid na pagbibigtihan ito, habang napigilan naman ito sa ikalawang pagpapatiwakal. (Light A. Nolasco)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog