Kinontra kahapon ng ilang senador ang sinabi ni Senate minority leader Franklin Drilon na “patay” na sa Senado ang panukalang ibalik ang parusang kamatayan sa bansa.

“Meron tayong tinatawag na demokrasya. Meron siyang kaparatang mag-isip ng sarili niya at meron din siyang karapatang managinip. Wala namang pumigil sa ating managinip,” sabi ni Sen. Vicente Sotto III. “Ngayon, ‘yung manghuhula ka ng 13… medyo katawa-tawa sa amin ‘yun. Sapagkat doon sa amin (Senado) unpredictable ang boto kung tutuusin, eh.”

Sinabi naman ni Senate President Aquilino “Koko” Pimentel III na ang panukala ay dapat na pagdebatehan at talakayin sa plenary.

Aminado naman si Sen. JV Ejercito na lamang ang kontra sa pagbabalik ng death penalty sa Senado.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Admittedly, lamang ang anti-death penalty sa ngayon because of the lady legislators and Liberal Party. But we will fight for what is right and put an end to this drug menace,” ani Ejercito. “Being a representative of the people, I have to follow their will. Survey says 60% of the Filipinos favor death penalty.”

Sinabi ni Drilon nitong Miyerkules na hindi papasa ang death penalty sa Senado dahil halos lahat ng senador ay tutol sa kontrobersiyal na panukala. (Leonel M. Abasola)