Jonathan Demme copy

NEW YORK (AFP) – Pumanaw na nitong Miyerkules si Jonathan Demme, 73, ang Oscar-winning director ng The Silence of the Lambs na hinulma ang apat na dekadang karera ng nakamamanghang mga obra mula romantic comedy at rock music hanggang sa mabibigat na dokumentaryo.

Namatay si Demme sa New York habang napapaligiran ng kanyang pamilya dahil sa esophageal cancer, pahayag ng kanyang publicist. Magiging pribado ang kanyang libing.

Nakilala siya nang husto sa kanyang smash-hit 1991 horror-thriller na pinagbidahan ni Anthony Hopkins bilang ang serial killer na si Hannibal Lecter at ni Jodie Foster bilang ang FBI agent na si Clarice Starling. Ang pelikula ay naging box office gold at dazzling critical success.

ALAMIN: Mga dapat malaman at gawin upang maging ligtas sa ‘tsunami’

Hinakot ng pelikula ang parangal sa 1992 Academy Awards, nag-uwi ng limang Oscars kabilang ang best picture, best actor para kay Anthony at best actress para kay Jodie.

‘’I am heart-broken to lose a friend, a mentor, a guy so singular and dynamic you’d have to design a hurricane to contain him,’’ saad ni Jodie sa isang pahayag.

Sinabi ni Anthony na nagulat siya. ‘’He was one of the best, and a really nice guy as well who had such a great spirit. Every day being with him was a high five.’’

Ang tagumpay ng Silence of the Lambs ang nagbigay kay Demme ng commercial springboard para idirehe ang Philadelphia noong 1993, isang ground-breaking Hollywood blockbuster na nagpanalo kay Tom Hanks ng unang Academy Award sa pagganap bilang bading na abogado na sinibak nang mahawaan ng HIV at nakipaglaban para sa hustisya.

Sinabi ng mga kritiko na binago ng pelikula ang paraan ng paglalarawan ng Hollywood sa AIDS crisis at ng mainstream film sa gay at lesbian characters.

GRANDEST OF MEN

Ang huling pelikula ni Demme ay ang Ricki and the Flash, na pinagbibidahan ni Meryl Streep bilang diborsiyadang ina na iniwan ang pamilya upang tuparin ang pangarap na sumikat sa rock-n-roll ngunit napilitang bumalik nang magkaroon ng krisis ang pamilya.

‘’Jonathan passed away early this morning in his Manhattan apartment, surrounded by his wife, Joanne Howard, and three children,’’ saad ng publicist ni Demme sa maikling pahayag.

Bumuhos ang tribute sa iginagalang na director, na pinuri sa kanyang compassion at creativity, at kinilala sa pagbibigay-diin sa mga adbokasiya gaya ng kalagayan ng New Orleans pagkatapos ng Hurricane Katrina, at ang kahirapan sa Haiti.

‘’Jonathan taught us how big a heart a person can have, and how it will guide how we live and what we do for a living,’’ sabi ni Tom. ‘’He was the grandest of men.’’

Sinabi ni Meryl na si Demme ay ‘’big-hearted’’ na lubusang niyakap ang mga taong nangangailangan ‘’and of the potential of art, music, poetry and film to fill that need.’’

Isinilang noong Pebrero 22, 1944 sa Long Island, New York, nag-aral siya ng high school sa Miami at kumuha ng chemistry sa University of Florida para maging veterinarian.

Nang bumagsak sa science ay bumaling siya sa pagsusulat ng mga pelikula at naging publicist ng isang film company.

Kalaunan ay nakilala niya ang direktor na si Roger Corman, na sinabihan siyang magsulat ng screenplay.

‘’I fell backwards into it almost,’’ aniya tungkol sa kanyang karera sa panayam ng National Public Radio noong 2007.

DOCUMENTARY LOVE

Nakapagdirehe si Demme ng 20 pelikula at 12 dokumentaryo, bukod pa sa innovative concert movie na Stop Making Sense at music videos, writing at production credits. Karamihan sa kanyang mga obra ay mayroong political o social edge.

Bukod sa mga thriller, romantic comedy at farce tungkol sa asawa ng isang mobster, ang kanyang real love ay mga dokumentaryo. Kabilang sa mga naging subject niya sina Nelson Mandela, dating President Jimmy Carter, at si Bruce Springsteen.

‘’I’m not really in the business of making fictional films and I’m drawn to ones that I consider to be special and exciting in a certain way, and in the meantime I’ll be perfectly happy just to make documentary after documentary,’’ aniya sa NPR.