CHARICE AT ALYSSA copy

ISANG kaibigang London-based ang tumawag sa amin at nagtanong kung ano raw ang maaaring dahilan ng pagtanggi ni Charice Pempengco sa mga alok nilang show para sa mga kababayan natin sa United Kingdom sa June.

Kinukuha nila si Charice dahil ito ang request ng mga kababayan natin sa London. Kung ilang araw daw sila pinaghihintay para sa pormal na kasagutan ng nakausap nilang nagpakilalang “road manager” ni Charice na hindi matandaan ng kaibigan namin ang pangalan dahil sa inis nila ay binura na niya sa phonebook niya.

Last March pa nila nakausap ang naturang contact na malapit kay Charice, pero laging sinasabi na maghintay lang dahil inaayos pa nila ang schedule ng singer. Pero sa panglima at panghuli nilang pag-uusap, saka sinabi na hindi raw pupuwede ang singer.

Human-Interest

Pasahero ng rider na nagmukhang si 'Sadness' ng Inside Out, kinaaliwan

Kalaunan, nang malaman ng kaibigan namin na hiniwalayan na si Charice ng ka-live-in na si Alyssa Quijano, saka lang nabuo sa isip ng kaibigan namin ang maaaring kasagutan sa tanong niya. Marahil nga raw ay may kinalaman ang paghihiwalay nina Charice at ng ka-live kung bakit ayaw na muna nitong tumanggap ng trabaho sa ibang bansa.

Kasabay rin nito, lumabas sa social media ang text ng pagkumpirma sa nasabing isyu ng isang Carl Cabral, na sinasabing handler ni Charice.

“Yes, Charice and Alyssa have broken up and it was a mutual decision. Charice is not accepting any interviews and now taking a break. He’s doing fine and he’s happy,” bahagi ng mensahe ni Carl.

Samantala, last March ay may tweet na si Charice na parang namamaalam at masaya na raw siya sa anumang narating ng career niya na aminado siyang dahil sa pagge-guest niya sa show ni Ellen DeGeneres at dahil sa tulong ni Oprah Winfrey.

“Happy for what I’ve achieved for what I’ve become, for making people happy. I’ll just leave it that. I’m tired now,” isa sa mga huling tweet ni Charice.

Pagkatapos ng post niyang ito, wala nang nababalitaan ang publiko tungkol sa kanya.

Kuwento ng isang source, may nakausap raw siyang malapit kay Charice na nagkumpirma sa kanya na hiniwalayan na ng singer ang ka-live-in ng more or less four years. Binanggit din ng source na sa isang kaibigan daw sa Laguna nakatira ang dating sikat na international singer. (JIMI ESCALA)