SAN JOSE, ANTIQUE - Umarya na nang tuluyan ang National Capital Region sa parehas sa elementary at secondary levels sa ikapitong araw ng 60th Palarong Pambansa dito sa lalawigan.

Hawak ng Big City ang kabuuang 25 ginto, kabilang ang 34 sa secondary class.

Bukod dito mayroon din silang tig-12 na silver at bronze sa elementary at 20-silver at 12-bronze naman sa secondary.

Malayong pumapangalawa sa elementary ang Southern Tagalog -Calabarzon Region na may 8-12-7, kasunod ang Western Visayas na may 8--8-9, pang-apat ang Soccksargen region na may 7-8-7 at panglima ang Negros Island Region na may 7-5-4.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Malayong pumapangalawa ang Western Visayas sa secondary (9-3-8), pangatlo ang Central Visayas na may (8-5-8) ,pang-apat ang Cordillera Administrative Region na may (7-7-5) ,at panglima ang Eastern Visayas Region (7-3-6).

Sinundan ng Manila Tankers ang impresibong langoys sa opening day sa nahakot na pito mula sa 15 nakatayang gintong medalya sa kompetisyon na inorganisa ng DepEd sa pakikipagtulungan ng Philippin e Sports Commission (PSC).

Kabilang sa mga nagtala ng bagong meet record sina Drew Magbag at Bela Magtibay sa secondary boys at girls 200 meter breaststroke tyempong 2:28.28 at 2:47.48, ayon sa pagkakasunod.

Nagtala rin ng kanyang ikalawang meet record si Sacho Ilustre sa secondary boys 100 meter freestyle (52.97) at ang kanilang boys at girls 400 meter medley (4:01.16 at 4:35.09).

Nagwagi rin ng gintong medalya ang NCR sa table tennis sa pamamagitan nina Virgilio Amarillo III at Jelaine Monteclaro sa elementary mixed doubles.

Nakopo naman ng Central Visayas ang gold sa elementary boys doubles at Davao Region naman sa girls doubles.

Sa iba pang mga resulta, naghati sa elementary boys at girls lawn tennis team event ang Region 1 at Negros Island, ayon sa pagkakasunod.

Sa archery, tatlong gold medals ang kinopo ng CAR sa pamamagitan ni Charmaine Angela Villamor sa 50 meters, 60 meters at single fita. (Marivic Awitan)