BRUSSELS (AFP) – Umabot sa 710,400 katao ang binigyan ng refugee o protection status ng European Union noong nakaraang taon, at mahigit kalahati sa kanila ay mga Syrian, inihayag ng statistical agency ng samahan nitong Miyerkules.

Ang bilang ay ‘’more than double the number of 2015,’’ ayon sa Eurostat.

‘’The largest group of beneficiaries of protection status in the EU in 2016 remained citizens of Syria (405,600 persons, or 57 percent of the total number of persons granted protection status),’’ ayon dito.

Pumapangalawa ang mga Iraqi na mayroong 65,800, sinusundan ng mga Afghan na nasa 61,800.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Ang Germany ay nagbigay ng protection status sa 445,210 noong 2016, triple kaysa naunang taon. Sinusundan ito ng Sweden na may 69,350 – o doble kaysa noong 2015 – at pumapangatlo ang Italy sa 35,450.