KALIBO, Aklan - Tinatayang nasa walong bahay ang nasunog sa Oyo Torong Street sa Kalibo, Aklan, kahapon ng madaling araw.

Ayon sa mga residente, nangyari ang sunog bandang 1:00 ng umaga at naapula makalipas ang halos isang oras.

Base sa inisyal na impormasyon, isa umanong napabayaang kandila ang pinagmulan ng sunog.

Bagaman walang nasaktan sa nasabing insidente, wala namang naisalbang gamit ang mga apektadong residente.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

(Jun N. Aguirre)