MATUTULOY na rin sa wakas ang depensa ni IBF Intercontinental super flyweight champion Jonas Sultan sa mapanganib na si dating WBC at Ring Magazine flyweight champion Sonny Boy Jaro sa Mayo 7 sa Angono Sports Complex sa Barangay Mahabang, Angono, Rizal.

Dapat na nagsagupa noong nakaraang Marso 19 sa Makati Cinema Square Boxing Arena sa Makati City sina Sultan at Jaro ngunit ipinagpaliban ang kampeonato sa hindi malamang dahilan.

Natamo ni Sultan ang kanyang titulo sa impresibong 2nd round knockout kay world rated Makazole Tete sa South Africa noong nakaraang Disyembre 16 kaya nakalista siya ngayong IBF No. 14 contender sa kampeong Pilipino rin na si Jerwin Ancajas.

Ngunit hindi puwedeng balewalain ni Sultan si Jaro na bagamat biglang naglaho sa WBC bilang No. 15 contender ay may kartadang 43-13-5, tampok ang 30 knockout. (Gilbert Espeña)

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe