Nagtakda ng preliminary conference ang Presidential Electoral Tribunal (PET) kaugnay ng magkahiwalay na electoral protest nina dating Senador Bongbong Marcos at Vice President Leni Robredo.

Napagdesisyunan ng PET na sa Hunyo 21, 2017, sa ganap na 2:00 ng hapon, idaos ang preliminary conference.

Kaugnay nito, nilinaw ng PET na hindi makaaapekto ang kumperensya sa mga nakabimbing mosyon na inihain ng magkabilang panig.

Samantala, pinagsusumite ng PET ang magkabilang kampo ng preliminary conference brief na maglalaman ng kanilang posisyon sa pagpapasimple sa mga isyu; pagtatakda ng limitasyon sa bilang ng mga testigo; pinakamabilis na paraan sa pagkuha at pagproseso ng mga ballot box na naglalaman ng mga election return, certificate of canvass at iba pang election document na kinukuwestiyon ng magkabilang panig.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Limang araw ang ibinigay na palugit ng PET sa magkabilang kampo para sa pagsusumite ng preliminary conference brief.

(Beth Camia)