Sa halip na siya ang magliligtas sa buhay ng mga nalulunod, bangkay nang iniahon ng kanyang mga kasamahan ang isang lifeguard na nalunod sa ilog sa Silang, Cavite, nitong Martes.

Sinasabing lasing nang lumusong sa ilog kaya nalunod at nasawi si Raul Morales, 48, taga-Sitio Ibayong Ilog, Barangay Kaong, Silang.

Base sa ulat ng pulisya, dakong 6:00 ng gabi nang mag-dive sa nasa siyam na talampakan ang lalim na ilog si Morales pero hindi na siya lumutang. Natagpuan siya sa ilalim ng ilog ngunit hindi na naisalba. (Beth Camia)
Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog