TIWALA si two-division world champion Gerry Peñalosa na magwawagi ang kababayang si Milan Melindo laban kay IBF light flyweight champion Akira Yaegashi sa unification bout ng dalawang boksingero sa Mayo 21 sa Ariake Colosseum sa Tokyo, Japan.

Matagal iniwasan ni Yaegashi si Melindo na tulad ng inagawan nito ng korona na si Mexican Javier Mendoza ay umatras labanan ang Pinoy boxer sa rematch matapos magwagi sa kontrobersiyal na 6th round technical decision sa Baja California, Mexico noong 2015 na dapat panalo ni Melindo sa TKO.

Napilitang harapin at magaang talunin sa puntos ni Melindo si Fahlan Sakkreerin Jr. ng Thailand sa Cebu City noong Nobyembre 26, 2106 upang maging Interim IBF light flyweight titlist at puwersahin ang laban kay Yaegashi.

“I see it as 60-40 in favor of Melindo,” sabi ni Peñalosa sa Philboxing.com. “Yaegashi is growing old and have slowed down a bit so it’s a good opportunity for Milan to wrest the title from him.”

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

May rekord si Yaegashi na 24-5-0, kabilang ang 12 panalo sa knockout samantalang si Melindo ay may kartadang 35-2-0.

(Gilbert Espeña)