KUWENTO ni TJ Trinidad sa presscon ng Bliss, hindi siya nag-panic nang mabigyan ng “X” rating ng MTRCB ang pelikula sa first review dahil alam niyang mababago pa iyon. Tinext din niya si Direk Jerrold Tarog na huwag mag-panic dahil tiyak na maipapalabas pa rin ang pelikula.
Tama si TJ, dahil sa second review, napalitan ang “X” rating ng R-18. Kaya, tuloy na ang showing ng pelikula sa May 10 at umaasa sina TJ, Iza Calzado at buong cast at pati na ang mga producer ng Tuko Film Productions, Buchi Boy Entertainmeny at Artikulo Uno na susuportahan ng movie-going public ang pelikula.
Hindi lang si Iza ang nagpakita ng kahusayan sa Bliss kundi ang buong cast, mula kay TJ, Ian Veneracion, Audie Gemora, Shamaine Buencamino, Stephanie Sol at Michael de Mesa. Nagpamalas sila ng husay sa kani-kanyang role.
Hindi rin nagpahuli sina Adrienne Vergara at Star Oliza dahil sumabay sila sa kahusayan ng mga mas beterano sa kanila. Agree kami sa nagsabing dapat manalo lahat ang cast sa ipinakita nilang kahusayan.
Ginagampanan ni TJ ang role ni Carlo, ang asawa ni Jane (Iza) na wala na ngang trabaho, binuntis pa ang PA ng asawa niya (si Stephanie). ‘Tapos hingi nang hingi ng pera sa asawa.
“I’ve worked with Direk Jerrold in Sana Dati kaya familiar na ako sa technique niya. Mas handa ako to work with him again dito sa Bliss. It’s great to be working with him again. It’s a pleasure to be included in the cast,” sabi ni TJ tungkol kay Direk Jerrold.
“As for Iza, I’ve also worked with her before at alam ko na ano puwede kong gawin to make her feel very comfortable.
Alam ko rin kung ano ang magpapa-uncomfortable sa kanya. Kaya maganda ang mga eksena namin,” sabi ni TJ.
Nawindang kami sa ganda ng pelikula, hindi kami nakapag-react sa ending. In fact, buong press people na present sa press preview nawindang, ni hindi nakapalakpak agad.
Ang hindi nagawa sa action, sinabi na lang. Kaya, maririnig ang paulit-ulit na “ang ganda ng pelikula” after ng preview. (Nitz Miralles)