Ilalabas na sa Mayo 3 ang resulta ng 2016 Bar Examinations.
Ayon sa Supreme Court Public Information Office, magdaraos ang Korte Suprema ng special en banc session sa Mayo 3 para talakayin ang resulta ng pagsusulit.
Sa nasabing deliberasyon, inaasahang pagpapasyahan ng mga mahistrado ang passing rate sa pagsusulit na susundan ng paglalabas ng resulta ng mga nakapasa.
Si Associate Justice Presbitero Velasco ang tumayong chairman ng 2016 Bar Examinations.
Nasa 6,831 ang kabuuang law graduate na kumuha ng bar exams noong Nobyembre sa University of Santo Tomas.
(Beth Camia)