Nasa loob na ng Philippine area of responsibility (PAR) ang bagyong ‘Dante’ ngunit hindi ito tatama sa lupa, kaya’t walang dapat ipangamba ang mga residente sa Silangang bahagi ng bansa, sinabi ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) kahapon.

Ayon kay kay PAGASA weather forecaster Benison Estareja, huling namataaan ang bagyo sa layong 1,250 kilometro sa Silangan ng Bicol Region.

Taglay pa rin ng bagyong ‘Dante’ ang lakas ng hangin na 55 kilometer per hour at bugsong 65 kph. Kumikilos ito pa-Kanluran-Hilagang Kanluran sa bilis na 11 kilometro kada oras. (Rommel P. Tabbad)

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3