BUMUO ang isang grupo ng mga mananaliksik ng “framework” para matukoy kung ang tumitinding pag-iinit ng mundo ang nagbubunsod ng matitinding kalamidad at klima sa kasalukuyan.

Noon, karaniwan na sa mga siyentista na iwasang iugnay ang mga kalagayan ng panahon sa climate change, dahil hindi maitatanggi ang impluwensiya ng tao sa natural na pag-iiba-iba ng klima.

Gayunman, sinabi ni Noah Diffenbaugh, propesor ng Earth system science sa School of Earth, Energy & Environmental Sciences ng Stanford University, na “over the past decade, there’s been an explosion of research, to the point that we are seeing results released within a few weeks of a major event.”

Sa isang pag-aaral na inilathala ngayong linggo ng Proceedings of the National Academy of Sciences, sinabi ni Diffenbaugh at ng kanyang mga kasamahan ang tungkol sa bago at umuusbong na larangan ng climate science na tinatawag na “extreme event attribution”, na nagsasama sa mga statistical analysis ng climate observations sa mahuhusay na computer model upang mapag-aralan ang impluwensiya ng climate change sa tumitinding klima.

Night Owl

Pagpapanatili ng mga Boses: Paano Pinoprotektahan ng NightOwlGPT ang mga Nanganganib na Wika

Upang maiwasan ang maling pag-uugnay ng isang kalamidad sa climate change, sinimulan ng mga mananaliksik ang pagtaya na wala itong kinalaman sa pag-iinit ng mundo, tsaka gumamit ng statistical analysis upang makumpirma kung balido ang tayang ito.

“Our approach is very conservative,” sabi ni Diffenbaugh. “It’s like the presumption of innocence in our legal system: the default is that the weather event was just bad luck, and a really high burden of proof is required to assign blame to global warming.”

Sa paggamit ng kanilang framework sa pinakamainit, pinakamaulan at pinakatuyot na panahon sa iba’t ibang panig ng mundo, natuklasan ng mga mananaliksik na dahil sa pag-iinit ng mundo na dulot ng pagbubuga ng tao ng greenhouse gases, tumindi pa ang init ng panahon ng mahigit 80 porsiyento sa mga lugar na isinagawa ang mga obserbasyon.

“Our results suggest that the world isn’t quite at the point where every record hot event has a detectable human fingerprint, but we are getting close,” sabi ni Diffenbaugh.

“Precipitation is inherently noisier than temperature, so we expect the signal to be less clear,” sabi ni Diffenbaugh. “One of the clearest signals that we do see is an increase in the odds of extreme dry events in the tropics. This is also where we see the biggest increase in the odds of protracted hot events — a combination that poses real risks for vulnerable communities and ecosystems.”

Nakatuon ang grupo ng mga mananaliksik sa mga indibiduwal na kalamidad, gaya ng matinding tag-init sa California simula 2012 hanggang ngayong taon, at ang labis na mapaminsala at malawakang baha sa hilagang India noong Hunyo 2013.

Isa sa mga high-profile test case ay ang glaciers sa Arctic Sea, na nababawasan ng 40 porsiyento tuwing tag-init sa nakalipas na tatlong dekada. (PNA)