ANDI AT ELLIE copy

NAMI-MISS ng netizens na sumusubaybay sa Twitter war nina Andi Eigenmann at Jake Ejercito ang tweets ni Andi simula nang i-delete ng aktres ang kanyang Twitter account.

Wala na silang mabasang mga tweet ng aktres para kay Jake dahil bigla na lang nitong dinelete ang kanyang Twitter account.

May naniniwala na may kinalaman ang isinampang petition ni Jake para sa joint custody ng anak nilang si Ellie sa hakbang ni Andi. Sa rami nga naman ng mga nai-tweet niya, puwedeng gamiting ebidensya ang mga ‘yun para mas madiin siya sa kaso nila ni Jake.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

‘Tapos nabasa pa ang tweet ni Atty. Ferdinand Topacio, lawyer ni Jake na: “Someone is making it easy for us to prove something important in court... @ikaejercito @unoemilio.”

Ang sabi, nasa Singapore na ngayon si Jake para ipagpatuloy ang pag-aaral. Malapit lang ang Singapore sa Pilipinas at kayang-kayang magpabalik-balik ni Jake kapag nagsimula na ang pagdinig sa kaso nila ni Andi.

Ang Instagram account na lang ni Andi ang bukas pa at sana ay hindi niya i-delete dahil sayang ang mga picture, lalo na ang nag-chronicle sa paglaki ni Ellie.