Nananawagan ang isang international human rights watchdog sa mga lider ng Southeast Asia na manindigan laban sa war on drugs ng Pilipinas na libu-libo na ang namamatay sa ilalim ni Pangulong Rodrigo Duterte, ang punong-abala ng regional summit ngayong linggo.

Sinabi ng Amnesty International na ang mga lider ng 10-miyembro ng Association of Southeast Asian Nations ay dapat timbangin kung ang mga pagpatay ay maituturing na seryosong paglabag sa charter ng ASEAN, partikular sa pangako nito sa mga karapatang pantao.

Iniulat na umabot na sa 9,000 katao ang napatay ng mga pulis o ng mga hindi kilalang kriminal simula noong Hulyo 2016. Sinabi ng mga opisyal na ang lahat ng mga iniulat na pagkamatay ay may kaugnayan sa ilegal na droga habang ang iba pa ay napatay sa lehitimong operasyon ng pulisya.

“As the death toll mounts, so does evidence of the Philippines authorities’ role in the bloodshed,’’ wika ni Champa Patel, director sa Southeast Asia and the Pacific ng Amnesty.

National

Agusan del Sur, nilindol ng magnitude 5.3

Sinabi ni Patel na ang pamumuno ng Pilipinas sa ASEAN summit “is a scandal, and should prompt the government to make independent and effective investigations into unlawful killings an immediate priority.” (AP)