BAGUIO CITY – Isang magandang balita para sa naghahanap ng trabaho ang inihayag ng Public Employment Service office (PESO) na 48 kumpanya ang makikiisa sa taunang Labor Day jobs fair na idaraos sa Baguio Convention Center sa Lunes, simula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon.

Ayon kay PESO Manager Jose Atanacio, 33 kumpanya ang mag-aalok ng local jobs habang 15 iba pa ang may bakanteng trabaho para sa mga nais mangibang-bansa.

Kabilang sa mga kumpanyang mag-aalok ng trabaho ang FC Laranang group of companies, Isonn Marketing, John Hay Management Corporation, SITEL Philippines Corp., SM Super Value, Inc., Monol International School, Baguio Country Club, Mainstream Business, Inc., Tiong San, City Light Hotel, 51 Talk Philippines, SM National Book Store, Triple A, Pines International Academy, Sutherland Global Services, IQOR Phils. Inc., Philippine Drug Enforcement Agency-Cordillera, Convergys, Jollibee Food Corporation, at maraming iba pa.

Pinayuhan ni Atanacio ang mga aplikante na dalhin ang kumpletong credentials at mahahalagang dokumento.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

(Rizaldy Comanda)